Home NATIONWIDE 3 suspek kinasuhan na ng murder sa pagpatay sa judge sa Basilan

3 suspek kinasuhan na ng murder sa pagpatay sa judge sa Basilan

1
0

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamong murder ang pulisya laban sa tatlogn suspek na iniuugnay sa pagbaril-patay kay Regional Trial Court Presiding Judge Joseph Wee Sit sa Zamboanga City noong Huwebes.

Ayon kay Lt. Col. Shellamie Chang, spokesperson ng Police Regional Office 9 (PRO 9), inihain ang kriminal na reklamo sa Zamboanga City Prosecutor’s Office nitong Sabado, Nobyembre 14.

Kabilang sa respondents ang isang natukoy na suspek na pinaniniwalaang gunman, at dalawa pang hindi tinukoy na nagsilbi umanong motorcycle driver at drayber ng getaway vehicle.

Ani Chang, sinundan ng paghahain ang sustained case build-up ng Special Investigation Task Group (SITG) “Wee Sit,” na suportado ng judicial affidavits kasama ang documentary at forensic evidence na nakalap ng mga imbestigador.

Sinabi ni Brig. Gen. Elmer Ragay, PRO 9 regional director, na ang paghahain ay nagpapakiita ng commitment ng pulisya sa paghanap ng hustisya sa pamamagitan ng masikap at evidence-based investigation at close coordination sa mga concerned unit. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here