MANILA, Philippines – Patay ang 8-anyos na batang lalaki na may special needs matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Purok 5, Barangay Nangka, Consolacion, Cebu nitong Sabado, Nobyembre 14.
Ayon sa ina ng biktima, natutulog mag-isa sa kwarto ang bata dahil ang tito nito na kadalasang katabi ay umalis.
Natutulog sa hiwalay na kwarto ang magulang ng biktima kasama ang bunsong kapatid nitong tatlong taong gulang.
Nagising na lamang ang mga ito na nasusunog na ang kwarto ng biktima at hindi na nagawang mailigtas pa.
Hinihinalang electrical issue ang sanhi ng sunog dahil nakarinig sila ng malakas na pagsabog.
Sa kabila nito ay iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. RNT/JGC