MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong tagasuporta ng puganteng pastor na si Apollo Quiboloy dahil sa obstruction of justice at pananakit sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), ayon sa Davao City Police.
Sa panayam sa radyo, sinabi ni PNP Davao Region spokesperson Major Catherine dela Rey, na ang pananakit sa mga pulis ay nangyari habang nagsasagawa ng rally ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) nitong Linggo ng gabi, Agosto 25 laban sa pinakabagong pagbabalak ng pulisya na arestuhin si Quiboloy na nahaharap sa mga kasong human trafficking at child abuse.
“Right now, we have arrested three people for obstruction of justice and direct assault because we have police colleagues who were injured last night during the rally they did,” ani dela Rey sa panayam ng Radyo 630.
Sinabi pa niya na naging agresibo ang mga miyembro ng KJC at nag-recruit pa ng mga hindi miyembro na lumahok sa rally.
“They have recruited other people to join them. What the police did was to employ maximum tolerance,” pagbabahagi ni dela Rey.
“Until now, we are still asking them to remove the vehicles blocking the road, and if they don’t really agree, we can resort to dispersal,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan ay mayroong humigit kumulang 200 raliyista na nasa loob pa rin ng compound.
Nakaharang pa rin ang isang winged van, dalawang crane at firetruck sa kalsada, dahilan para hindi madaanan ang dalawang bahagi ng national highway sa harap ng KJC compound sa Buhangin District, Davao City.
Bagama’t nakakuha ng permit ang mga miyembro ng KJC na magsagawa ng prayer at candle-lighting rally, sinabi ni dela Rey na nilabag pa rin nila ang pass na ibinigay sa kanila ng local na pamahalaan ng Davao.
“What was written in the permit is that they will conduct it inside the KJC Compound, but what they did — they did it on the highway and there was no candle lighting but they burned tires,” paliwanag ni dela Rey.
“As of now, I do not have any information on what time the rallyists will be dispersed or the vehicles blocking the road will be removed,” dagdag pa.
“I hope that the KJC members, as they claimed that they are law-abiding citizens, will show that they are law-abiding citizens by removing those blocking the way and allowing the right of others to pass on the highway.”
Bago rito, sinabi ni Police Regional Office – Davao Director Brigadier General Nicolas Torre III na ang puganteng “Appointed Son of God” ay nasa loob pa rin ng compound matapos madiskubre ang isang bunker kung saan posibleng nagtatago ito kasama ang mga kasabwat. RNT/JGC