MANILA, Philippines – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang phreatic eruption sa Bulkang Mayon nitong Linggo, Agosto 25.
Nagbuga ang bulkan ng 500-meter plume bandang 7:23 ng gabi na tumagal ng isang minute patungong direksyong north-northeast.
Noong Hulyo 18, naitala ng ahensya ang 200-meter light gray ash at steam plume.
Nakapagtala rin ng PHIVOLCS ang isang volcanic earthquake at moderate emissions na hanggang 300 metro.
Noong Agosto 20, naitala ng PHIVOLCS ang volcanic sulfur dioxide gas emission sa 598 tons. RNT/JGC