MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Filipino na maging “heroes in their own right”, kasabay ng paghimok na ipaglaban ang demokrasya, sumunod sa batas at idepensa ang soberanya ng Pilipinas.
Sa pagharap sa selebrasyon ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City nitong Lunes, Agosto 26, inalala ni Marcos ang mga bayani ng lumipas na lumaban sa mga dayuhang mananakop.
Sa pagbanggit ng mayamang kasaysayan ng bansa “produced a number of great heroes,” kinilala ni Marcos sina Lapulapu at mga mandirigma nito, Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Antonio Luna at mga Katipunero, maging ang mga babaeng bayani na sina Gabriela Silang, Trinidad Tecson, at Teresa Magbanua na nanindigan laban sa mga dayuhang mananakop.
“Their bravery and determination paved the way to the freedom that all of us enjoy today, although it came at a high cost, their peace, their rights, their lives,” ani Marcos.
Nagbigay din ito ng tribute sa mga modern-day hero na naglingkod sa bansa kabilang ang mga Navy at Coast Guard, overseas Filipino workers, mga magsasaka at mangingisda, mamamahayag, environmental advocates, at national athletes.
Nanawagan din ito sa publiko na “not lose sight of what is asked of us for the present and for the future” in remembering the heroes of the past.
“Let us carry on the great legacy of our brave ancestors with the fortitude of an enlightened mind, the strength of compassion and generosity, and the courage of our convictions,” ani Marcos.
“In the spirit of shared responsibility, I call on everyone to be heroes in their own right, uphold the principles of democracy, abide by the rule of law, and defend our sovereignty. Let us acknowledge the significance of history and pass it on to our young Filipinos, so we can nurture in our children the love of country, for it is only in that patriotism that we can preserve our national identity,” pagpapatuloy niya. RNT/JGC