Home NATIONWIDE 3-term school calendar ng DepEd, suportado ng Malakanyang

3-term school calendar ng DepEd, suportado ng Malakanyang

128
0

MANILA, Philippines – Suportado ng Malacañang ang plano ng Department of Education na ipatupad ang three-term school calendar para sa mas maayos na pag-aaral at mas mababang gastos.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara na handa na ang ahensya.

“Handang-handa na po ang DepEd,” ani Castro.

Dagdag niya, hindi mangangailangan ng dagdag na pondo ang bagong sistema at maaari pang makatipid.

“Wala namang dagdag gastos para sa three-term calendar at mas mababawasan pa nga raw ang mga gastos kasi menos ang exams, menos ang projects,” aniya.

Sinabi rin ni Castro na suportado ito ng mga guro dahil mas magiging flexible at mas mahaba ang oras ng pagtuturo.
“Na-appreciate ito ng mga guro dahil mas malalim at maluwang ang instructional time kaysa sa dati. So, handa naman po ang DepEd,” dagdag niya.

Layunin ng reporma na mapabuti ang kalidad ng edukasyon habang pinapagaan ang gawain ng mga guro at estudyante. Nauna nang inilatag ng DepEd ang three-term calendar para sa school year 2026–2027 upang mapahusay ang learning outcomes at mabawasan ang administrative workload ng mga guro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here