Home METRO 8 most wanted sa CALABARZON, arestado

8 most wanted sa CALABARZON, arestado

108
0

LAGUNA, Philippines – Bumagsak sa mga kamay ng Police Regional Office Calabarzon Intelligence Unit ang walong tinaguriang Most Wanted Persons sa buong rehiyon  sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Calabarzon.

Sinimulan ang operasyon noong nakalipas na Abril 22 hanggang Abril 23, 2026 kung saan kabilang sa walong naaresto si Alyas Oliver ang Rank number 3 Most Wanted Person sa Calabarzon na nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Dasmariñas Component City Police Station  at 2nd Southern Leyte Police Mobile Company  sa Purok 4 Barangay Tambis 1 Saint. Bernard , Leyte sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Units, Regional Mobile Force Battalion4A at lokal na himpilan mg pulisya na kinabibilangan ng Laguna, Batangas ay Rizal  na humantong sa pagkakaaresto sa walo katao ma pawang Most Wanted Person sa naturan lalawigan.

Kabilang sa mga naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ),gayundin  ang Rape, Murder at Arson, kung saan pawang nasa kustodiya ng pulisya ang mga nadakip ma suspek.

Samantala pinuri ni PBHen Hansel M  Marantan, Regional Director ng PRO4 CALABARZON ang mga operatiba na umaresto sa mga suspek dahil sa kanilang mahusay na koordinasyon , dedikasyon at pagtutulungan na humantong sa matagumpay na pagkakaaresto sa walong Most Wamted Person sa CALABARZON.

“Ipinagmamalaki ko ang tagumpay ng ating masisipag at magagaling na kapulisan ng CALABARZON. Ang pagkakaaresto sa mga wanted na indibidwal ay mahalaga upang mapanatili ang isang ligtas at mapayapang komunidad. Makakaasa ang publiko na magpapatuloy ang aming kampanya laban sa mga wanted persons,” ani PBGen Marantan. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here