Home HOME BANNER STORY 3-term school calendar, sisimulan sa Hunyo – DepEd

3-term school calendar, sisimulan sa Hunyo – DepEd

222
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes, Marso 23, ang suporta sa Cabinet-approved shift sa three-term school calendar simula School Year 2026–2027 bilang hakbang para mapabuti ang kalidad ng edukasyon.

Ayon sa DepEd, ang pagbabago ay magbibigay-priyoridad sa kalidad ng pagtuturo at mas maayos na paggamit ng oras sa klase, na tutugon sa naitalang pagkawala ng hanggang 53 araw ng klase sa SY 2023–2024.

Sa bagong sistema, magsisimula ang taon sa limang-araw na Opening Block para sa learner profiling, baseline assessments, at administrative preparations. Susundan ito ng 60 araw ng Instructional Block para sa tuloy-tuloy na klase, at dalawang linggong End-of-Term Block para sa school events, remediation, enrichment, at teacher training.

Binanggit ng DepEd na makakatulong ang shift mula four quarters patungong three terms sa pagbawas ng grading cycles at reporting peaks, para mas makatuon ang mga guro sa pagtuturo.

Ang reporma ay bunga ng malawakang konsultasyon sa mga estudyante, guro, magulang, school leaders, at mga mambabatas. Bahagi ito ng mas malawak na programa para sa mas mahusay na edukasyon, kabilang ang school-based feeding, literacy interventions, at pag-provide ng textbooks sa lahat ng learners.

“Layunin ng reporma na gawing mas epektibo ang school year para sa estudyante at guro, upang bawat araw sa paaralan ay magdulot ng mas malalim at makabuluhang pagkatuto,” ayon sa DepEd. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here