Home METRO 3 tiklo sa drug den sa Pampanga

3 tiklo sa drug den sa Pampanga

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong indibidwal matapos makuhanan ng P88,000 halaga ng shabu sa nilusob na drug den sa Mabalacat City, Pampanga nitong Biyernes, Mayo 24.

Inaresto ng mga awtoridad ang maintainer ng drug den na kinilalang si “Muare,” at dalawa pa nitong kasamahan sa San Joaquin, ng naturang bayan.

Ayon sa PDEA, nagresulta ang anti-illegal drug operation sa pagkakasamsam ng 13 gramo ng shabu na may street value na P88,400.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC