Home NATIONWIDE Panuntunan sa Chocolate Hills inihain sa Kamara

Panuntunan sa Chocolate Hills inihain sa Kamara

MANILA, Philippines – Naghain ng panukala sa Kamara ang apat na mambabatas para maglatag ng panuntunan sa boundaries ng Chocolate Hills Natural Monument (CHNM) kasunod ng kontrobersiya sa illegally build structures sa naturang natural attraction sa Bohol.

Ayon kina Bohol Representatives Edgar Chatto (first district), Vanessa Cadorna Aumentado (second district) at Alexie Besas Tutor (third district), maging si Palawan Rep. Jose Alvarez, ang House Bill No. 10438 na inihain noong Mayo 20, ay magbibigay-daan sa mga may-ari ng residential structures sa loob ng 20-meter area mula sa mga burol na manatili, pagbutihin o i-repair ang kanilang mga pasilidad, “provided that no expansion will be conducted and the owner is listed as tenured migrant.”

Ang mga may-ari ng tituladong lupa ay maaari ring mag-ani ng mga prutas at iba pang agricultural crops. Maaari ring pumasok sa small-scale livelihood projects.

“Together, we will shape the law that will not only ensure the protection and preservation of the Chocolate Hills but also protect the rights of our people to sustainable development,” sinabi ni Chatto sa HB 10438.

Layon din ng panukala na amyendahan ang composition ng CHNM Protected Area Management Board na may kaugnayan sa Expanded National Integrated Protected Areas System.

Isasama sa membership ng CHNM Protected Area Management Board ang Department of Tourism; National Museum of the Philippines; United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) technical committee of Bohol; representatives ng religious groups at environmental planners at architects na nag-ooperate sa lugar o sa probinsya ng Bohol.

Ayon kay Aumentado, isasagawa ang consultation process upang pakinggan ang sentimyento ng mga lokal na opisyal, civil society at iba pang grupo.

“Consultative process is one of the best ways to achieve our main goal: a better law that aims to protect the lives of the people without compromising our environment. We’re really just looking forward to this because this is for our province, for our beloved lalawigan Bohol,” aniya.

Umaasa naman si Tutor na magtatagumpay ang panukala sa Kamara.

“To the sectors who feel that your voice needs to be heard on this matter, please prepare [and be] ready. You may submit your position paper,” sinabi ni Tutor. RNT/JGC