Home METRO Vehicle-free Sunday mornings sa Roxas Boulevard sinimulan ngayong araw

Vehicle-free Sunday mornings sa Roxas Boulevard sinimulan ngayong araw

MANILA, Philippines – Bubuksan sa mga pedestrian ang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila para sa vehicle-free Sunday mornings.

Nagsimula ito ngayong araw, Mayo 26, kung saan isasarado sa mga sasakyan ang Roxas Boulevard mula Quirino Avenue hanggang P. Burgos Street mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga.

Inihanda ang alternatibong ruta para sa mga motorista.

Pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang paglulunsad ng “Move Manila Car-Free Sunday” sa panulukan ng South Drive-Kalaw Avenue at Roxas Boulevard (beside Museo Pambata).

Ang car-free ordinance ay inakda ni Councilor Philip Lacuna ng 6th district upang payagan ang mga naglalakad, nagja-jogging, tumatakbo, mga nagbibisikleta, skateboarding o roller skating na walang abalang sasakyan.

“There will be first aid stations and water stations. If people want to have their blood pressure checked, the first aid stations will be there to do that. The water stations are there to make sure people are hydrated and protected against heat stress,” sinabi ni Lacuna. RNT/JGC