Home METRO Murder suspect na nasa ‘most wanted list’ ng Calabarzon, arestado

Murder suspect na nasa ‘most wanted list’ ng Calabarzon, arestado

MANILA, Philippines – Arestado ng mga pulis sa Cavite ang murder suspect na pasok sa “most wanted list” ng Calabarzon.

Ayon kay Cavite Provincial Police Office Director, Col. Eleutero Ricardo Jr., kinilala ang naarestong suspek sa alyas “Buboy” sa bisa ng warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 90 sa Dasmariñas City.

Wala nang ibinigay pang detalye sa pagkakaaresto sa suspek bukod sa impormasyon na naaresto ito sa Barangay Langkaan I, Dasmarinas City nitong Biyernes ng gabi, Mayo 24.

Itinurn-over na si Buboy sa Dasmariñas City Police Station custodial facility para sa tamang disposisyon ng suspek.

Wala namang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Buboy. RNT/JGC