Home NATIONWIDE 3 tiklo sa pagbebenta ng repossessed cars sa Pasay, Mandaluyong

3 tiklo sa pagbebenta ng repossessed cars sa Pasay, Mandaluyong

294
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang tatlong suspek sa umano’y pagbebenta ng repossessed cars sa napakababang presyo sa pamamagitan ng online platforms.

Dalawa sa mga suspek ay naaresto sa Pasay City at nakuhanan pa ng hindi lisensyadong armas, habang ang isa ay naaresto sa follow-up operation sa Mandaluyong City.

Nakuha sa mga suspek ang limang sasakyan kung saan sinabi ng mga ito na hindi nila alam na may isyu ang mga sasakyang kanilang ibinibenta.

“Sabi sa amin, ‘Sanla ito, naremata na. Pwede na ibenta.’ Ayun ang sabi sa amin,” ayon sa isa sa mga suspek.

“Sumama lang po ako, nagfi-finance lang po ako,” ayon naman sa isa.

Dagdag pa, sinabi naman ng isa sa mga suspek na ang kanilang baril ay hindi gumagana at panakot lamang nila kung mayroong magtatangkang mangharass sa kanila.

Iniimbestigahan na ng PNP-HPG ang posibilidad na ang mga suspek ay bahagi ng isang mas malaking grupo.

Ipinaliwanag ng pulisya na ang mga suspek ay nagbebenta ng bank-repossessed vehicles sa napakamurang halaga online.

Ang pagbili sa mga ito ay maaaring magdulot ng legal problems sa may-ari kalaunan.

Karaniwang ibinibenta ang bank-repossessed cars sa isang public auction.

“Kapag ito ay alarmado na sa PNP-HPG at sila ay na-spotan ng ating mga patroller, sila rin po ay magkakakaso,” ayon kay PNP-HPG spokesperson Police Lt. Nadame Malang. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here