Home NATIONWIDE DTI nagbabala sa mga consumer: Maging mapanuri sa product reviews online

DTI nagbabala sa mga consumer: Maging mapanuri sa product reviews online

305
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) nitong Huwebes, Oktubre 9 sa mga consumer na maging mapanuri sa nababasang product reviews kapag bibili online.

Ayon kay DTI Consumer Protection and Advocacy Bureau OIC director Cheryl Carbonell, may mga kahina-hinalang product reviews online batay sa grammar at spelling nito.

“Yung sa mga ganun po, ang aming payo sa mga consumers ay tignan nila yung comment. Kapag pare-pareho o kaya may mga spelling or grammatical error, pwede AI-generated na po ‘yun,” ani Carbonell.

Pagpapatuloy, naglabas ang DTI ng decision pause checklist para tulungan ang mga senior citizen na maging maingat sa pagbili ng mga produkto at maprotektahan ang mga ito sa scam.

“Simpleng checklist po ‘yan para magabayan ang ating mga senior citizens. So dapat ang mga senior citizens ay mabigyan ng tamang impormasyon  tungkol sa produkto o serbisyo na kanilang binibili. Dapat din po hindi sila pinipilit na mag-desisyon agad at dapat ang kanilang bibilhin ay gusto nilang bilhin,” sinabi pa ni Carbonell.

Ayon sa DTI, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para protektahan ang mga consumer. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here