Home NATIONWIDE 3 Tsino, Pinoy arestado sa P4.2M pekeng pampaganda

3 Tsino, Pinoy arestado sa P4.2M pekeng pampaganda

MANILA, Philippines – Inaresto ang tatlong Chinese nationals at isang Filipino dahil sa pagbebenta ng mga hindi rehistradong beauty products noong Abril 22, 2025, sa Malabon City.

Isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang entrapment operation matapos makuha ang intelligence reports ukol sa mga suspek na nagbebenta ng mga skincare products.

Nakumpiska sa operasyon ang 30 kahon ng acne spot serum na nagkakahalaga ng P4.2 milyon at mga resibo ng bentahan.

Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre III, pinigilan ng operasyon ang posibleng panganib sa kalusugan mula sa mga hindi rehistradong produkto. Inihain na ang mga kasong kriminal laban sa mga suspek. Santi Celario