DAGUPAN CITY-SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, iniulat kahapon, Nobyembre 19 sa lungsod na ito.
Ayon kay Police Colonel Orly Z. Pagaduan, city director ng Dagupan City Police Office, ang mga nadakip na suspek ay isang 35-anyos na construction worker, 28-anyos na welder, at 27-anyos na tricycle driver, pawang mga residente ng Dagupan City.
Batay sa report, nahuli ang mga suspek sa Barangay Pantal, Dagupan City na aktong nagbebenta ng iligal na droga.
Narekober sa mga suspek ang 10.5 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang street value na β±71,400.
Lumabas sa imbestigasyon na ang tatlo ay umanoβy aktibong bumibili at nagbebenta ng ilegal na droga sa loob ng lungsod.
Nahaharap ngayon sa paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico