Home METRO Ex-pulis na kawatan, arestado sa Bacolod

Ex-pulis na kawatan, arestado sa Bacolod

332
0

BACOLOD CITY- ARESTADO ang dating pulis na tinanggal sa serbisyo dahil sa pagnanakaw, at muli na naman itong nagnakaw ng motorsiklo, noong Miyerkules ng madaling araw, Nobyembre 19 sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Wenefredo, 46, at residente ng Brgy. Granada, Bacolod City.

Ayon kay Police Captain Andy Ofalia, station commander ng Bacolod Police Station 9, naganap ang insidente bandang 1:10 AM ng Miyerkules Nobyembre 19, 2025 sa loob ng DECA Homes Subdivision, Barangay Cabug, ng nasabing lungsod.

Batay sa reklamo ng isang Jofranz Mier Anduyan, 19-anyos, bigla na lamang siyang nagising nang marinig na umandar ang kanyang Suzuki Raider FU.

Aniya, agad siyang humingi ng tulong sa mga guwardya sa loob ng subdivision at itinawag na pulisya na nagresulta ng agaran pagkadakip sa suspek.

Nabatid, na pinutol ng suspek ang wiring ng ignition para mapaandar niya ito.

Sinabi ni Ofalia, pumasok ang suspek sa Philippine National Police taon 2010 bilang isang PO1 hanggang sa natanggal ito sa kasong physical injury at pagnanakaw ng mga moto parts ng motorsiklo.

Kasalukuyang nakakulong sa lock-up cell ng Bacolod Police Station 9 ang suspek at nahaharap sa kasong carnapping. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here