Bulacan – Arestado ang isang pinaghihinalaang tulak matapos umanong mahulihan ng P480,000 halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Guiguinto.
Sa report kay PLTCOL Isagani V. Enriquez, OIC Bulacan police, kinilala ang naarestong suspek sa alyas “Joshua,” 21.
Ayon sa report, ikinasa ang operasyon ng Guiguinto police station bandang alas-3 ng madaling araw nitong Agosto 1 sa Brgy. Tuktukan.
Nakumpiska sa operasyon ang medium plastic bag na naglalaman ng dried leaves and fruiting tops ng hinihinalang marijuana at apat na compressed cyclinder shape dried leaves at fruiting tops ng hinihinalang marijuana na may timbang na 4000 gramo at may standard drug price P480,00 at buy-bust money.
Samantala, arestado rin sa kaparehong petsa at operasyon ng pulisya sa McArthur Highway, Brgy. Lolomboy ang mga pinaghihinalaang tulak na sina alyas “DJ,” 22, at Sunshine, 20.
Nasamsam sa operasyon ang 2,250 gramo ng hinihinalang marijuana na may halagang P270,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga istasyong humuli sa kanila. Dick Mirasol III