Home METRO 3 undocumented Korean nationals arestado sa sinalakay na resort

3 undocumented Korean nationals arestado sa sinalakay na resort

209
0

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Korean national na natuklasang ilegal na nagtatrabaho sa isang pribadong resort sa Cavite.

Nabatid kay BI intelligence division Chief Fortunato Manahan Jr. na ang tatlo ay naaresto noong Mayo 22 sa resort sa loob ng isang subdivision sa General Trias, Cavite.

Kinilala ang tatlong dayuhan na sina Oh Hyunsik, 51; Kim Haeyoung, 48; at Kim Seoyeong, 45. Inaresto sila sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Navy at Philippine National Police matapos makatanggap ng impormasyon ang BI tungkol sa pagkakaroon ng ilegal na dayuhan sa lugar.

Kinumpirma ng mga operatiba ng BI na ang mga naarestong Koreano ay aktibong nakikibahagi sa trabaho sa resort, kaya’t sila ay nagsagawa ng pag-aresto.

Kinumpirma ng BI na nagtatrabaho sila nang walang kaukulang permit at visa, na labag sa batas ng imigrasyon sa Pilipinas.

Pinuri ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang pag-aresto, sinabing ang mga dayuhan ay inaasahang susunod sa mga batas habang nasa bansa.

“We thank our counterparts for their assistance in this operation,” ani Viado.

“Our close coordination with our partners in law enforcement plays a vital role in the swift and effective apprehension of illegal aliens. Collaborative efforts such as this demonstrate our shared commitment to upholding the law and maintaining national security,” dagdag pa ng opisyal.

Mananatili ang tatlo sa pasilidad ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig habang nakabinbin ang deportation proceedings. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here