Home METRO 3 utas sa sunog sa Kyusi

3 utas sa sunog sa Kyusi

113
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang tatlong katao, kabilang ang dalawang bata, sa sunog na sumira sa isang residential-commercial establishment sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City, madaling araw ng Linggo.

Ayon sa ulat, ang ikatlong biktima ay empleyado ng LPG store na nasa ground floor ng dalawang palapag na gusali.

Nagsimula ang sunog bago mag-4 a.m. at umabot sa first alarm. Naapula ito ng mga bumbero sa loob ng wala pang isang oras, ngunit tatlong bahay ang naapektuhan.

Natagpuan ng mga awtoridad ang mga labi ng dalawang batang may edad 10 at 11, at ng empleyado. Isa sa mga biktima ay namatay dahil sa suffocation.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala sa ari-arian. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here