Home NATIONWIDE 3 weather system, magpapaulan sa Luzon, M’danao, Palawan

3 weather system, magpapaulan sa Luzon, M’danao, Palawan

340
0

Tatlong weather system—ang shear line, amihan, at Intertropical Convergence Zone (ITCZ)—ang magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, Mindanao, at Palawan ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Apektado ng shear line at amihan ang Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya, na makararanas ng kalat-kalat na ulan at thunderstorms. Nagbabala ang ahensya sa posibleng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.

Sa Mindanao at Palawan, ang ITCZ ang magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, at Palawan, na maaari ring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa. Sa Quezon at Aurora, ang easterlies ang dahilan ng ulan, habang ulan mula sa amihan ang inaasahan sa Ilocos Region at Batanes.

Maulap din ang ilang bahagi ng Mindanao na may panaka-nakang pag-ulan mula sa ITCZ, at bahagyang maulap hanggang maulap ang Metro Manila at iba pang panig ng bansa dahil sa easterlies.

Katamtaman hanggang malakas na hanging amihan ang iiral sa Northern Luzon, natitirang bahagi ng Luzon, at silangang Visayas, kaya’t magiging katamtaman hanggang maalon ang dagat. Sa nalalabing bahagi ng bansa, banayad hanggang katamtaman ang hangin at bahagyang hanggang katamtamang pag-alon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here