Home NATIONWIDE 3 weather systems magpapaulan sa bansa

3 weather systems magpapaulan sa bansa

MANILA, Philippines- Iiral ang  maulap na kalangitan at ulan sa sa malaking bahagi ng bansa sa sunod na 24 oras, ayon sa PAGASA nitong Sabado.

Inaasahan sa Visayas, Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, at Aurora ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa shear line.

Magdudulot naman ang Northeast Monsoon (Amihan) ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at sa natitirang bahagi ng Central Luzon, maging “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” sa natitirang bahagi ng Luzon.

Maaapektuhan ang Mindanao ng easterlies.

Mararanasan ang strong to gale-force winds at rough to very rough coastal waters sa Northern Luzon at sa eastern section ng Central Luzon.

Iiral naman sa Visayas, eastern section ng Southern Luzon, at sa western section ng Central Luzon ang moderate to strong winds at moderate to rough coastal waters.

Magkakaroon ang natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate winds at slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw sa Metro Manila ng alas-6:23 ng umaga. RNT/SA