Home NATIONWIDE 3 weather systems magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

3 weather systems magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

MANILA, Philippines- Patuloy na magpapaulan ang shear line, northeast monsoon, at ang easterlies sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa weather bureau nitong Sabado.

Sa 4 a.m. bulletin, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas ang Isabela, Aurora, Rizal, Laguna, Quezon, at Camarines Norte ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa shear line.

Samantala, inaasahan ang maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan sa Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley dahil sa northeast monsoon.

Magdudulot din ang northeast monsoon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” sa Metro Manila, Ilocos Region, at natitirang bahagi ng Central Luzon at Calabarzon.

Nakaamba sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.

Iiral ang moderate to strong winds at moderate to rough seas sa Northern Luzon at sa eastern sections ng Central at Southern Luzon.

Magkakaroon naman ang natitirang bahagi ng bansa ng “light to moderate winds”  at slight to moderate seas, base sa PAGASA. RNT/SA