Home HOME BANNER STORY 3 weather systems patuloy magpapaulan sa Pinas

3 weather systems patuloy magpapaulan sa Pinas

211
0

MANILA, Philippines – Patuloy na makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa ang shear line, northeast monsoon (amihan), at easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado.

Sa 4 a.m. advisory ng PAGASA, sinabi nitong maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, at Palawan dahil sa shear line.

Samantala, magdadala ang northeast monsoon ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Cordillera, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, natitirang bahagi ng Mimaropa, at Bicol Region.

Makakaranas din ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ng maulap na panahon na may mahihinang pag-ulan dulot ng amihan.

Sa Mindanao, inaasahan ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies.

Nagbabala rin ang PAGASA ng malalakas hanggang mala-bagyong hangin at maalon hanggang napakaalon na dagat sa Northern Luzon at silangang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.

Ang natitirang bahagi ng Luzon at Visayas ay makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na hangin at alon, habang mahina hanggang katamtaman naman ang hangin at alon sa Mindanao.

Ayon sa PAGASA, inaasahang magpapatuloy ang mga weather system hanggang Linggo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here