Home HOME BANNER STORY 3 welder pisak sa bumagsak na tangke ng tubig sa Cagayan

3 welder pisak sa bumagsak na tangke ng tubig sa Cagayan

1
0

ABULUG, Cagayan – Puno ng pighati at kalungkutan ngayon ang nararandaman ng pamilya’t kamag-anak ng tatlong lalaki habang pinaglalamayan ng mga ito  matapos na mabagsakan ng tangke ng tubig sa Abulug, Cagayan.

Una rito, nagwe-welding ang mga biktima sa isang water facility sa Barangay Simayung nang biglang bumagsak ang tangke ng tubig.

Kinailangan nang gumamit ng excavator para makuha ang mga biktima na nadaganan na walang ng buhay na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Nilinaw ng Abulug Water District na hindi nila pagmamay-ari ang water tank at proyekto kundi ng isang non-profit cooperative na nagbibigay ng potable water supply at basic sanitation services sa rural o last-mile communities.

“Ang Abulug Water District (AWD) ay isang hiwalay na ahensya at walang anumang koneksyon, pamamahala, o operasyon sa nasabing pasilidad o sa mga aktibidad,” ayon sa pahayag ng AWD.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa dahilan ng pagbagsak ng tangke ng tubig sa lugar.

Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here