MANILA, Philippines – Magsisimula ang 30-araw na campaign period ngayong Huwebes, Pebrero 12 para sa March 14 special elections sa ikalawang distrito ng Antipolo City.
Kasabay ng paalala, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na may ipapatupad na mga pagbabawal tulad ng pamimigay ng pera, malalaking poster, at iba pa.
Umapela siya sa mga kandidato na bawasan ang ingay sa mga aktibidad ng kampanya at iwasang magdulot ng pagsisikip ng trapiko sa mga kalsada.
Inaasahang ilalabas ng Comelec sa Miyerkules ang certificates of candidacy ng pitong aspirants, kung saan ang mananalo ay hahalili sa yumaong Rep. Romeo Acop.
Ang pitong aspirants na naghain ng kanilang COC ay sina Dandin Infante, Reden Llama, Lorenzo Juan Sumulong III, Maria Trinidad Cafirma, Philip Conrad Acop, Nathaniel Lobigas, at Irvin Paulo Tapales. Jocelyn Tabangcura-Domenden