Home NATIONWIDE 30 lugar nakaambang makaranas ng dangerous heat index ngayong Mayo 4

30 lugar nakaambang makaranas ng dangerous heat index ngayong Mayo 4

MANILA, Philippines- Posibleng pumalo ang heat index sa danger level sa 30 lugar ngayong Sabado, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa inilabas na forecast nitong Biyernes ng alas-5 ng hapon, posibleng makaranas ang mga sumusunod na lugar ng heat indices sa pagitan ng 42°C at 47°C:

47°C 

  • Dagupan City, Pangasinan 

46°C 

  • Aparri, Cagayan 

45°C 

  • Laoag City, llocos Norte 

44°C 

  • Bacnotan, La Union

  • Iba, Zambales 

  • Puerto Princesa City, Palawan 

  • Virac (Synop), Catanduanes 

  • CBSUA-Pili, Camarines Sur 

43°C 

  • MMSU, Batac, Ilocos Norte 

  • Tuguegarao City, Cagayan 

  • Aborlan, Palawan 

  • Dumangas, Iloilo 

  • Catarman, Northern Samar 

  • Butuan City, Agusan Del Norte 

42°C 

  • NAIA, Pasay City 

  • Sinait, llocos Sur 

  • ISU Echague, Isabela 

  • Casiguran, Aurora 

  • Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City 

  • Ambulong, Tanauan, Batangas 

  • Infanta, Quezon 

  • San Jose, Occidental Mindoro 

  • Cuyo, Palawan 

  • Masbate City, Masbate 

  • Roxas City, Capiz 

  • La Granja, La Carlota, Negros Occidental 

  • Borongan, Eastern Samar 

  • Guiuan, Eastern Samar 

  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur 

  • Cotabato City, Maguindanao

Sa ilalim ng klasipikasyon ng PAGASA, itinuturing ang heat indices na 42°C hanggang 51°C na nasa “dangerous” level, na maaaring maging sanhi ng heat stroke at heat exhaustion.

Upang maiwasan ang heat-related illnesses, pinayuhan ng DOH ang publiko na limitahan ang outdoor activities at uminom ng maraming tubig.

Payo pa ng ahensya, gumamit ng payong, sumbrero, at damit na may manggas tuwing lalabas at itakda ang heavy-duty activities sa pagsisimula o pagtatapos ng araw. RNT/SA