Home NATIONWIDE 30 lugar sa bansa tutustahin ng ‘danger level’ na damang-init

30 lugar sa bansa tutustahin ng ‘danger level’ na damang-init

117
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang PAGASA na aabot sa 30 lugar sa Pilipinas ang posibleng makaranas ng “danger level” na heat index mula 42°C hanggang 46°C sa Biyernes, Mayo 23.

Ayon sa PAGASA, ang ganitong taas ng heat index ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke. Pinapayuhan ang publiko na umiwas sa matagal na pananatili sa labas, uminom ng maraming tubig, at magsuot ng magagaan at preskong damit.

Pinakamataas ang inaasahang init sa Aparri, Cagayan na aabot sa 46°C. Kasunod nito ang Dagupan, Pangasinan na may 45°C. Sa 44°C naman, kabilang ang Laoag at Batac sa Ilocos Norte, Tuguegarao City sa Cagayan, at Subic Bay sa Olongapo.

Makakaranas ng 43°C heat index ang mga sumusunod:
Cacnotan (La Union), Echague (Isabela), Baler at Casiguran (Aurora), Camiling (Tarlac), Sangley Point (Cavite City), Tanauan (Batangas), Infanta at Alabat (Quezon), Daet (Camarines Norte), Masbate City, at Catarman (Northern Samar).

Sa 42°C naman ang forecast sa mga lugar na ito:
NAIA (Pasay City), Sinait (Ilocos Sur), Bayombong (Nueva Vizcaya), Iba (Zambales), Los Baños (Laguna), San Jose (Occidental Mindoro), Cuyo (Palawan), Legazpi (Albay), Pili (Camarines Sur), Iloilo City, Dumangas (Iloilo), at Catbalogan (Western Samar).

Paalala ng PAGASA: mag-ingat, magpahinga, at alagaan ang sarili laban sa matinding init. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here