MANILA, Philippines — Idineklara ng Malacañang ang Biyernes, Hunyo 6, 2025 bilang regular holiday sa buong bansa bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 911, na inilabas sa Official Gazette nitong Huwebes.
Ang Eid’l Adha ay isang mahalagang pista sa Islam na inaalala ang kahandaang isakripisyo ni Propeta Ibrahim ang kanyang anak bilang pagsunod sa utos ng Diyos.
Ang deklarasyon ay batay sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos upang bigyang-daan ang mga Muslim na Pilipino, na tinatayang nasa 6% ng populasyon, na makiisa sa pagdiriwang. RNT