MANILA, Philippines – Naaresto at na-impound ng Land Transportation Office ang 30 luxury vehicles sa Metro Manila noong nakaraang linggo dahil hindi rehistrado o walang lisensyang nagmamaneho, ayon kay LTO chief Markus Lacanilao nitong Lunes.
Kabilang sa mga nasamsam ang Mustang, Porsche, at BMW, at kasalukuyang beripikado sa Bureau of Customs ang mga ito.
Binigyang-diin ni Lacanilao na pantay ang pagpapatupad ng batas sa lahat ng uri ng sasakyan.
Ayon naman sa Department of Transportation (DOTr), nagresulta ang anti-colorum campaign noong Nobyembre sa pagsamsam ng 24 ilegal na sasakyan at PHP11.8 milyong multa.
Sinabi ni DOTr Secretary Giovanni Lopez na nagpapakita ito ng pagtutok ng gobyerno sa ligtas at maayos na transportasyon. Santi Celario