Home NATIONWIDE 30 mins heat stroke break sa MMDA field personnel ipinatupad

30 mins heat stroke break sa MMDA field personnel ipinatupad

MANILA, Philippines – IPINATUPAD muli ng pamunuanMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 30 minutong “heat stroke break” policy para sa kanilang field personnel partikular na ang mga traffic enforcer at street sweepers, upang protektahan sila mula sa heat-related na sakit sa gitna ng paglabas ng danger-level heat index forecast para sa Metro Manila.

Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, sa isang nilagdaang memorandum circular, na ang heat stroke break ay salit-salitan na gagawin ng mga nakatalaga sa isang partikular na lugar upang mapanatili ang visibility ng mga traffic enforcer at street sweepers gatundin ay upang matiyak nila na hindi mahahadlangan ang field operations.

Nabatid na ang nasabing patakaran ay ipatutupad araw-araw sa pamamagitan ng iskedyul ng pag-ikot, ay nagkabisa noong Marso 3 at tatagal hanggang Mayo 31.

Sa ilalim ng heat stroke break policy, ang mga on-duty na traffic enforcer at street sweeper ay pinapayagang umalis sa kanilang mga puwesto para mag-rehydrate, humingi ng kanlungan mula sa araw, at magpahinga ng 30 minuto upang maiwasan ang heat stroke.

Para sa mga traffic enforcer na nagtatrabaho sa apat na magkakaibang shift, mayroong ibinigay na “30 minutong heat stroke break” depende sa kanilang shift.

Para maiwasan ang heat exhaustion, heat stroke, at/o heat cramps, ang field personnel ay maaari ding kumuha ng karagdagang 15 minutong break time sakaling ang heat index sa Metro Manila ay umabot sa 40 degrees Celsius at pataas. JR Reyes