MANILA, Philippines – Nasamsam ang PHP7.48 milyon halaga ng shabu sa isang drug bust sa Barangay Calumpang, Molo district, Iloilo City noong Marso 4, 2025, na nagresulta rin sa pagkakahuli ng dalawang high-value target, kabilang ang itinuturing na top drug personality sa Western Visayas.
Nakumpiska ng Iloilo City Police Office (ICPO) Drug Enforcement Unit ang 39 plastic sachet at apat na knot-tied pack ng hinihinalang shabu.
Kinilala ang mga suspek na sina alias “Ariane,” 48, mula Barangay Bakhaw, Mandurriao, at alias “Toto,” 32, mula Barangay Dacuton, Capiz.
Tinawag ni ICPO Director Col. Kim Legada ang operasyon bilang isang malaking tagumpay sa kampanya kontra ilegal na droga, habang pinuri ni Mayor Jerry TreƱas ang ICPO sa kanilang pagsisikap at muling binigyang-diin ang matatag na paninindigan ng lungsod laban sa ilegal na droga. RNT