Home NATIONWIDE 30 nawawala sa landslide sa China

30 nawawala sa landslide sa China

CHINA – Nasa 200 katao ang inilikas habang 30 ang nawawala sa matinding landslide na tumama sa Sichuan province sa China nitong Sabado, Pebrero 8.

Ang landslide ay nangyari 11:50 ng umaga sa Jinping Village, na matatagpuan sa Junlian County ng city of Yibin.

Itinaas ang Level I geological disaster emergency response, o pinakamataas na lebel, sa probinsya. RNT/JGC