Home METRO 30 tirahan nasunog sa LagunaMETRONATIONWIDETOP STORIES 30 tirahan nasunog sa LagunaJune 17, 2024 15:10 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Tinupok ng apoy ang nasa 30 tirahan sa Calamba City, Laguna nitong Linggo, Hunyo 16.Ayon sa Region 4A police, nagsimula ang sunog 2:57 ng hapon sa residential area sa Barangay Lingga.Ang sunog ay itinaas sa ikatlong alarma at naapula bandang 5:30 ng hapon.Dahil dito ay nawalan ng tirahan ang nasa 35 pamilya.Wala namang naitalang nasaktan o nasawi sa insidente.Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at inaalam din ang halaga ng pinsala sa ari-arian.Tumutuloy muna sa kalapit na chapel at mga hindi nadamay na mga kapitbahay ang mga apektadong pamilya. RNT/JGC