Home ENTERTAINMENT Igan, sumasailalim sa 2 klase ng therapy!

Igan, sumasailalim sa 2 klase ng therapy!

Manila, Philippines- Hindi pa masasabing siyento porsyento nang fully recovered si Arnold Clavio.

Matatandaang mula sa isang golf course sa Antipolo ay inatake ng hemorrhagic stroke ang beteranong brosdcast journalist kamakailan.

Ibinahagi ni Igan (tawag kay Arnold) ang latest updates sa kanyang kalagayan.

Inirekomenda kasing sumailalim siya sa PT o physical therapy.

Ito’y para manumbalik ang dating sigla ng kanyang kanang kamay.

Ayon sa kanyang doktor na si Dr. Lyde Magpantay, bukod sa PT ay kailangan ding sumailalim ni Igan sa OT o occupational therapy.

Ito’y para raw gumanang muli ang kanyang sensor lalung-lalo na sa kanyang right hand.

Sa pamamagitan ng OT ay may pag-asang bumalik sa dati ang mga movements ng kanyang kanang kamay.

“Tiyaga lang,” ani Arnold who’s made aware that the process takes a while.

Matatandaan ding ipinost ni Igan sa social media during his confinement at St. Luke’s Medical Center na: “Listen to your body. You feel okay doesn’t mean you’re okay.”

Get well the soonest, Igan! Ronnie Carrasco IiI