Home ENTERTAINMENT Greta, nagpa-house tour, kinumpara kay Jinkee!

Greta, nagpa-house tour, kinumpara kay Jinkee!

Manila, Philippines- Sa unang pagkakataon, ipinasilip ni Gretchen Barretto ang homey abode nila ni Tony Boy Cojuangco.

Nagpa-house tour nga ang retired actress kung saan ang nagsilbing highlight ay ang pagbibida ni Gretchen ng kanyang koleksyon ng mga plato sa isang malaking cabinet.

Mapapansin ding bawal magsuot ng sapatos sa loob ng bahay ang mga bisita.

That explains kung bakit there are standby pairs of slippers bago pumasok.

Kapansin-pansin ding tadtad ng sari-saring desserts ang nakahain para sa mga bisita, from fruits to cakes.

“Malas” na lang sa mga nagbibilang ng kanilang mga calories; they’re not for you!

It’s actually an old house, pero makikita ang mga materyales which were used to build certain fixtures.

Mostly ay yari sa punong narra ang mga ito.

While Gretchen’s house tour is a delight to many netizens, hindi pa rin maiiwasang may mga mang-intriga.

Oo nga raw at napaka-homey ng ambiance nito’y wala pa rin daw sinabi ‘yon sa mansion ni Jinkee Pacquiao.

Teka, paanong napasok sa usapan ang nananahimik na si Jinkee?

At ano naman ang kaugnayan ng mansion nito sa mansion ni Gretchen?

Buti na lang, Gretchen has found allies in most netizens saying: “Excuse me, Gretchen is not competing with anyone!”

Bakit ba kasi may comparison? Ronnie Carrasco III