Home NATIONWIDE 300 inmates sa CIW binigyan ng medical, legal assistance

300 inmates sa CIW binigyan ng medical, legal assistance

169
0

MANILA, Philippines – Nakatangap ng tulong medikal at ligal ang mahigit 300 babaeng inmates mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), karamihan sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) ay mga senior citizens at may mga iniindang sakit.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang tunay na hustisya ay hindi sa loob ng hanganan ng batas kundi ipinagkakaloob ng may malasakit sa bawat isa.

Tiniyak ni Remulla sa mga PDL na hindi nagpapabaya ang gobyerno sa pangangalaga sa kanilang mga karapatan.

Pinangunahan ng DOJ Action Center ang naturang aktibidad kasama ang Integrated Bar of the Phil-Rizal-San Juan-Mandaluyong Chapter, Legal Aid Society of the Phil at mga volunteer paralegal of the Philippine Law School. Samantala mayroon naman grupo ng mga doktor, nurses at interns ang nagkaloob ng medical at diagnostic testing sa mga PDL. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here