MANILA, Philippines – Muling sumabog ang Bulkang Kanlaon nitong Lunes ng hapon, Disyembre 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Dahil dito ay itinaas ng PHIVOLCS ang alerto sa bulkan sa Alert Level 3.
Sinabi ng ahensya na naitala ang pagsabog sa summit vent ng Bulkang Kanlaon bandang 3:03 ng hapon.
Naglabas ito ng voluminous plume na umabot sa 3,000 meters ang taas.
“Pyroclastic density currents or PDCs descended the slopes on the general southeastern edifice based on IP and thermal camera monitors,” sinabi ng PHIVOLCS.
“This means magmatic eruption has begun that may progress to further explosive eruptions.”
Inabisuhan ang lahat ng local government units na ilikas ang mga residente sa six kilometer radius mula sa summit ng bulkan at maghanda sa posibleng karagdagang paglilikas.
Ani PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division chief Mariton Bornas, ang pagsabog ay “brief but strong.”
“Sa kasalukuyan ay tumigil ang eruption. Isa po siyang malakas but a brief explosive eruption.” RNT/JGC