MANILA, Philippines – Nagpakawala ng tubig ang tatlong major dams kabilang ang Ambuklao, Binga, at Magat nitong Lunes, Disyembre 9.
Sa update, sinabi ng PAGASA na isang gate ang nakabukas sa Ambuklao Dam at nagpapakawala ng 53.84 cubic meters per second (cms) ng tubig; isang gate sa Binga Dam na nagpapakawala ng 53.70 cms; at isang gate sa Magat Dam na nagpapakawala ng 267.50 cms.
Ang lebel ng tubig sa Ambuklao ay nasa 751.70 metro na malapit sa normal high water level na 752 m.
Ang lebel ng tubig sa Binga at 574.31 m, na malapit sa normal high na 575 m.
Habang ang lebel ng tubig sa Magat ay nasa 186.57 m, o nasa 7 m mas mababa sa normal high na 193 meters. RNT/JGC