MANILA, Philippines – Wala pang kalahati ng mga naghahangad na tumakbo sa Senado ang nagsumite ng registration form para sa kanilang social media accounts sa Commission on Elections (Comelec) apat na araw bago ang deadline nito.
Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco nitong Lunes, Disyembre 9 na 27 sa 66 na tumatakbo sa Senado ang nagsumite ng kanilang forms.
Sa kabilang banda, karamihan sa mga party-list group, o 119 sa 156, ay nagsumite ng mga kinakailangang ito, habang 4,500 na aspirante mula sa mga lokal na posisyon ang nagsumite na nito.
Ang pagpaparehistro ng social media account ay bahagi ng inisyatiba ng Comelec para i-regulate ang digital election campaigning.
Ang mga social media account na gagamitin ng mga aspirante para sa mga layunin ng pangangampanya ay dapat isumite bago ang Disyembre 13.
Nagpapatuloy ang artikulo pagkatapos ng patalastas na ito Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na walang palugit na deadline. Jocelyn Tabangcura-Domenden