MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pope Francis si Most Reverend Prudencio Andaya bilang bagong Obispo ng Diocese of Cabanatuan.
Ayon sa diyosesis, si Andaya, na kasalukuyang nagsisilbing Apostolic Vicar of Tabuk, ang papalit kay Most Reverend Sofronio Bancud na tinanggap ng Vatican ang pagbibitiw noong Disyembre 8, ang kanyang ika-76 na kaarawan.
“The Holy Father, Pope Francis, has graciously appointed His Excellency, the Most Reverend Prudencio P. Andaya, CICM, currently serving as Apostolic Vicar of Tabuk, as the new Bishop of Cabanatuan,” sinabi ng diocese sa Facebook.
Inanunsyo ito noong Linggo, Disyembre 8,2024 sa Vatican City.
Pinasalamatan din ng diocese si Bancud para sa kanyang “faithful and inspiring service”.
“His pastoral care, wisdom, and dedication to the Eucharistic mission have been a source of immense blessing, fostering spiritual growth and unity among the clergy, religious, and laity,” sabi ng Cabanatuan diocese.
Sa pagsisimula niya ng isang bagong kabanata sa kanyang paglalakbay, ang diyosesis ay nananalangin na gantimpalaan siya ng Diyos ng saganang kapayapaan, kalusugan, at kagalakan.
Inordinahan na pari si Andaya noong Disyembre 8, 1986. Siya ay itinalagang obispo noong Hulyo 16, 2003. Nagsimulang maglingkod si Andaya bilang Vicar Apostolic ng Tabuk noong 2003. Jocelyn Tabangcura-Domenden