Home NATIONWIDE State of calamity sa Siargao isinusulong sa power outages

State of calamity sa Siargao isinusulong sa power outages

MANILA, Philippines – Ipinanawagan na ang pagdedeklara ng state of calamity dahil sa kabi-kabilang power outage na tumama sa Siargao Island na nagsimula noong Disyembre 1.

Isasagawa ngayong Lunes, Disyembre 9, ang special session ng Sangguniang Panlalawigan kaugnay nito.

Bukod sa power outages, kailangan din ng mga residente ng Siargao ng suplay ng tubig.

Karamihan kasi sa mga munisipalidad at komunidad ay umaasa sa mga pump na pinatatakbo ng kuryente.

Ang blackout sa buong isla ay dahil sa pag-trip ng 34.5 kV (kilovolt) breaker sa Barangay Cagdianao Substation in Claver dahil sa line ground fault, na nagpuputol sa koneksyon ng submarine cable na nagdurugtong sa Siargao sa Mainland Mindanao.

Pinagsisikapan na ng Siargao Electric Cooperative, Inc. (SIARELCO),na maayos ang kable, kasabay ng paghahanap ng mga diver at technical experts sa paghahanap ng pinagmulan ng problema.

“During today’s cable-lifting operations, technical experts found no signs of a line fault at the kink suspected portion of the submarine cable,” saad sa pahayag ng SIARELCO nitong Sabado, Disyembre 7.

“A special session of the Sangguniang Panlalawigan was called by Vice Governor Eddie Gokiangkee Jr. on Friday, but was not pushed through due to the lack of quorum,” ayon naman kay Janis Medina Reginio ng Surigao del Norte government information office. RNT/JGC