Home METRO 3,000 parak ikinalat sa Gitnang Luzon para sa mapayapang Kapaskuhan

3,000 parak ikinalat sa Gitnang Luzon para sa mapayapang Kapaskuhan

Bulacan – Nasa 3,000 karagdagang tauhan ng Police Regional Office PRO3 ang itinalaga sa Gitnang Luzon kabilang ang lalawigang ito para sa seguridad at kaligtasan ng publiko ngayong kapaskuhan at darating na bagong taon.

Ayon kay PRO3 Regional Director PBGEN Redrico Maranan, simula ngayong Disyembre 16 ay itinalaga ang nasa 3,000 pulis sa Police Assistance Desks sa mga transport terminal, mga establisyimentong pangkalakalan, mga simbahan at community firecracker zones para sa kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Bukod dito, tutulong din ang mga ito sa mga nawawalang bata, matatanda katuwang ang ilang ahensiya at mga boluntaryong grupo.

Mag-aantabay din ang mga motorist Assistance Hubs na may kasamang Marshals sa mga pangunahing kalsada at alternatibong ruta sa rehiyon hanggang Enero 6.2025

Makakatuwang din ng mga parak ang 350 puwersa mula sa BFP, AFP, Coast Guard at ang 2,500 miyembro ng ibat-ibang advocacy groups para mapalawak ang seguridad sa mga komunidad.

Kasabay nito, inatasan na ng heneral ang lahat ng City at Provincial Directors ang lahat ng police provincial/city police offices na panatilihin ang mataas na antas ng alerto at kahandaan sa serbisyo para sa publiko. (Dick Mirasol III)