Home NATIONWIDE 3,058 pasado sa December 2024 CPA licensure exam

3,058 pasado sa December 2024 CPA licensure exam

MANILA, Philippines- Nanguna ang graduate mula sa University of San Carlos (USC) sa Licensure Examination for Certified Public Accountants na isinagawa nitong Disyembre 2024, base sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nakakuha si Jianne Nicole Luban Vitug ng percentage rating na 89.67, pinakamataas sa lahat ng examinees. Mayroong 10,136 Accounting graduates na kumuha ng licensure exam at 3,058 ang pumasa.

 Ang top performing schools na may 50 o higit pang examinees na may hindi bababa sa 80% passing percentage ay: University of the Philippines – Diliman at De La Salle University – Manila. RNT/SA