Home NATIONWIDE PNP sa publiko: ‘Wag gumamit ng ipinagbabawal na paputok

PNP sa publiko: ‘Wag gumamit ng ipinagbabawal na paputok

MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) ang publiko na huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok para sa darating na pagdiriwang ng Bagong Taon upang matiyak ang kaligtasan at pagtalima sa batas.

Ayon sa ulat nitong Lunes, mas kaunting mamimili ang nobserbahan sa kilalang bilihan ng paputok sa Bocaue, Bulacan ngayong taon kumpara sa mga nakalipas na taon.

Binigyang-diin ng PNP-CSG ang mahigpit na pagpapatupad ng Executive Order 28 at Republic Act 7183, na namamahala sa firecracker use.

May kabuuang 28 paputok ang ipinagbabawal kabilang ang:

  • Watusi,

  • Piccolo,

  • Five Star (Bog),

  • Pla-Pla,

  • Lolo Thunder, at

  • Kakaibang variants tulad ng Super Yolanda at Gooby Chismosa.

Hinimok ng kapulisan ang mga indibidwal sa mas ligtas na mga alternatibo tulad ng community fireworks displays. RNT/SA