PAKISTAN – Mahigit 300 katao ang nasawi sa northwest Pakistan matapos ang dalawang araw na tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan at pagbaha.
Nagpapatuloy ang rescue efforts at clearing ng mga naharangang kalsada kasabay ng nagpapatuloy na paglalabas ng emergency funds.
Nagdulot ng pagguho ng mga gusali, landslide, matitinding pagbaha at malalakas na kidlat ang pinakamatinding ulan dulot ng monsoon season ngayong taon.
Hanggang nitong Sabado, Agosto 16, umabot na sa 307 ang kumpirmadong nasawi at marami pa ang mga nawawala lalo na sa mga rehiyon ng Khyber Pakhtunkhwa, ayon sa Provincial Disaster Management Authority.
Maging ang India at Pakistan ay sinalanta rin ng malalakas na pag-ulan at pagbaha sa nakalipas na linggo. RNT/JGC