Home NATIONWIDE 30K vulnerabilities nakita sa 2,002 gov’t files – DICT

30K vulnerabilities nakita sa 2,002 gov’t files – DICT

MANILA, Philippines – Nananatiling malaki ang banta sa cyberattacks ang ilang ahensya ng pamahalaan, sinabi ng
Department of Information and Communication Technology (DICT).

Ang hirap na mapigilan ang mga pag-atake ay dahil sa kakulangan ng pondo at mga tauhan, maging ang unresponsiveness ng mga ahensya para sa safety checks.

Sa pagdinig ng Kamara ng committee on information and communication technology nitong Martes, Abril 30, sinabihan ni DICT Undersecretary Jeffrey Uy ang mga mambabatas na mula Disyembre 2023, nadiskubre nila ang mahigit 30,000 vulnerabilities sa 2,002 government digital assets.

Sa kaparehong panahon, hanggang nitong Abril 2024, nagawang mapigilan ng ahensya ang mahigit 800 attempts na i-hack ang mga ahensya ng pamahalaan.

Batay sa kanilang assessment, ang top 10 na ahensya na may risk sa critical incidents ay ang Department of Health, DICT, Department of Transportation, National Economic Development Authority, Philippine National Police, Department of Environment and Natural Resources, Philippine Economic Zone Authority, Civil Service Commission, Office of the President, at Department of Science and Technology.

Hindi naman ipinaliwanag ni Uy kung bakit ang mga ahensyang ito ang pinaka-vulnerable bagama’t karmaihan sa mga website na ito ay may public records patungkol sa critical infrastructure, government projects at personnel records.

Ang findings na ito ay nadiskubre sa pamamagitan ng Project Sonar (Secure Online Network Assessment and Response) ng DICT, na ipinatupad noong nakaraang taon bilang tugon sa serye ng cyberattacks laban sa mga ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Kamara. RNT/JGC