Home HOME BANNER STORY Luzon grid inilagay sa yellow alert

Luzon grid inilagay sa yellow alert

MANILA, Philippines – Inilagay sa yellow alert ang Luzon grid ngayong Huwebes, Mayo 2.

Sa pahayag, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ang Luzon grid ay ilalagay sa yellow alert mula alas-3 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon.

Ang available capacity sa Luzon ay nasa 15,115 megawatts, habang ang peak demand ay inaasahan sa 13,818 MW.

Inilalabas ang yellow alert kapag ang operating margin ay kulang para tugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Ito na ang ikatlong linggo na naglalabas ng babala ang NGCP sa manipis na suplay ng kuryente.

Noong nakaraang linggo, inamin ng Department of Energy na ang sitwasyon sa kuryente ng bansa ay umabot na sa “crisis levels.” RNT/JGC