NAGHAYAG nang suporta si Navotas City Representative Toby Tiangco kay PangulongĀ Bongbong Marcos sa panawagang muling pag-aralan ang minimum wage rates sa bawat rehiyon.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ngĀ Labor Day, inatasan ni Marcos ang Regional Tripartite Wage and Productivity Boards na pangunahan ang napapanahong pag-aaral ng minimum wage rates sa lahat ng rehiyon dahil sa epekto ng inflation o sobrang pagtaas ng kalakal o bilihin.
“This crucial move underscores our commitment to ensuring that our workers can afford basic necessities and live decent lives amidst the challenging economic landscape,” ani Cong. Tiangco.
“As we navigate through the repercussions of inflation and escalating living costs, it becomes vital to reassess our wage rates in consideration of the needs of our constituents,” dagdag ng mambabatas.
Sinabi pa ni Tiangco na tungkulin ng public servants na pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan lalo ang hirap na sumusuporta sa kanilang pamilya.
Ang panawagan ni President Bongbong para sa wage review, dahil sa epekto ng inflation at iba pang aspeto ay hindi lamang isang polisiya kundi isang kinakailangang moral. Dapat tayong magkaisa na resolbahin ang dignidad at kapakanan ng lahat ng Pilipinong-manggagawa. (R.A Marquez)