Home NATIONWIDE JBC application gagawing fully online ng Korte Suprema

JBC application gagawing fully online ng Korte Suprema

MANILA, Philippines – Mas pinasimple at pinaayos ng Judicial and Bar Council (JBC) ang proseso ng pag-apply sa mga nais makapasok sa sangay ng hudikatura.

Inilunsad ng JBC ang Online Registration and Application System (O.R.A.S.) sa Supreme Court Session Hall.

Simula June 13, 2024, ang mga aplikante bilang mahistrado ng SC,Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, Ombudsman, Deputy Ombudsman at iba ay hindi na kailangan magtungo ng personal sa SC upang maghain ng kanilang application form dahil gagawin na itong fully online.

“The JBC O.R.A.S. is a platform that basically took the Personal Data Sheet that the JBC requires and placed it online,” ani Atty. Michelle Sharon Clara S. Domingo, Chief ng JBC Office of Policy and Development Research.

Ang JBC O.R.A.S. ay mayroon mga katangian para maging maginhawa at accessible sa gumagamit nito.

Pinagsama na rin dito ang Philippine Judiciary Platform upang matiyak na walang makakapasok na pekeng account.

Sa ilalim ng Constitution, ang JBC ang nagrerekomenda sa Pangulo ng maaring maitalaga sa hudukatura.

“It will be pilot-tested and used for the upcoming opening of the Court of Appeals and Sandiganbayan Presiding Justices vacancies on June 13, 2024, and will thereafter be the mode of application.” Teresa Tavares